Saturday, September 28, 2013

What is The Katuwang Project?


Katuwang Project is an education project for church volunteers. Ito ay mga training programs para sa manggagawa. Nais natin dito magtaguyod ng ilang programa na naka focus sa training needs ng mga katuwang ng simbahan sa gawain. May mahabang certificate course at meron din namang mga one-day seminars. Ang isang primary na assumption natin dito ay ang mga manggagawa na nasa volunteer capacity such as Bible study leaders, usher, praise & worship atbp -- sila kalimitan ay may work na kanilang source of living dahilan upang hindi sila masyado nasasanay sa kanilang ministry dahil halos 30-40 oras sa isang linggo ay nasa trabaho sila. Gayunpaman mataas ang kanilang pagmamahal sa gawain ng Panginoon. Ang Katuwang Project ay may mga programa na naka angkop sa ganitong sitwasyon. Minarapat namin na ang mga dapat ikonsidera sa programs natin dito ay:

  1. convenient sa oras
  2. hindi gaanong kabigatan in terms of academic requirements
  3. accessible na lugar na madaling puntahan
  4. relaxed classroom environment

Nakatayo ang mga ito, of course, sa mga educational programs na angkop sa pangangailangang pang ministeryo ng mga mag-aaral. The Katuwang Project seeks to provide an experience for students who are engaged in giving their time and effort in their own local churches. Lumalaki ang mga muscles mo for ministry. Dumarami ang mga opportunities. Ang aming hiling ay ihanda mo ang iyong sarili sa mga foundational education para sa iyong paglilingkod, para ikaw naman ay may panahon na mapaglingkuran sa iyong pangangailangan.

Kung kayo po ay Katuwang sa gawain ng simbahan at gusto nyong mag-grow pa sa kasanayan sa Bible, theology at ministry, The Katuwang Project is for you!

Sisimulan natin ang ating Project sa pag launch ng isang certificate program sa Christian Ministry Foundations. See details next.


Of Schedule and Venue

Again, we make it a point na ang schedule natin ay pwede sa mga professionals na kalimitan ang uwi ay 6pm. We also made it a point na ang mga locations ng training ay accessible sa mabilisang biyahe.

Classess meet 7-9PM every Tuesday at GCF-North, Basement of Jocfer Building, Commonwealth Ave., QC. Click the map below to enlarge.




Of Method, Learning Experience and Dinners

Ang mga klase po ay gumagamit ng HBLT method o hook-book-look-took. Ang ating educational method ay ginagabayan ng aklat ni Lizette Knight na pinamagatang Maximum Learning and Teaching: Transformation in the Classroom. Akma sa adhikain ng Katuwang Project ang libro ni Dr. Knight na maisakatuparan ang "vision of energized, exciting and transformational classrooms." Ang mga klase ay gumagamit ng lecture, interaction, games, singing atbp to maximize learning at magkaroon mismo ng transformative experience sa klase. We always have a LCD projector to help students visualize many discussions. Students will regularly receive notes and take home readings. From time to time, book freebies will be given for those of you book worms.

At dahil po sa ang mga mag-aaral ay galing sa work at dederecho sa classroom hindi na sila mag aalala ng dinner kasi may nag aantay na masarap na hapunan sa kanila.


Gusto rin po nating idagdag sa information na ito na ang atin pong classroom ay fully airconditioned at mayroon pong nakabantay palagi na coffee at tea para sa pangangailangan ng mga students.

What are the Subjects?

Click here.

Kung Medyo Di Ka Pa Makapag-Decide, Sit In Ka Muna

Sit in is free and we will treat you with dinner. So what are you waiting for? Contact Prof. John Pesebre at 0908-8633812 and confirm an appointment.

No comments:

Post a Comment